Magandang Serbisyo

Magandang Serbisyo

Ang Social Housing Development ay isa sa ating opisina purchaser. Nito lamang nakaraan ay nagtungo sila sa ating store kasama ang kanilang manager. Agad na lumapit sa akin si Maam Hazel, ang kanilang purchasing officer, at agad na pinakilala ang kanilang manager. Banggit nito, “Eto po pala maam ang Pandayan Bookshop. Dito po kami nakuha ng ating supplies. Kompleto at maayos po ang kanilang staff dito.” Agad namang nakipagkamay ang kanilang manager. Habang nag-iikot ang kanilang manager at iba pang kasama banggit ni Maam Hazel na muli silang magpapasa ng Purchase Order. Agad naman naming ni-ready ang kanilang supplies. Sambit pa nito, “Maam sa totoo lang may kamahalan po ang iba ninyong items dito kumpara sa dati naming kinukuhanan. Ni-recommend ko ito sa aming manager na dito na lamang kumuha dahil sa talaga namang kompleto at dekalidad ang mga produkto. Sobrang approachable pa ng mga staff.” Sa pagtatapos ng aming transaksyon ay pasasalamat ang aming sambit.
Masasabi ko talaga na binabalikan tayo ng mga Panauhin dahil sa magandang serbisyo na natatanggap nila at dekalidad na produkto. Kaya naman ito parati ang iniingatan namin - ang magandang ugnayan sa mga Panauhin upang hindi masayang ang tiwala na binibigay nila sa Pandayan Bookshop.