Pasasalamat sa Pagkakataon

Pasasalamat sa Pagkakataon

Taos puso ang aking pasasalamat sa pagbibigay ng pagkakataon ng Pandayan. Noong nakaraang linggo lamang ay nagkaroon ng event ang Canon Philippines. Ito ay ang Dealer Appreciation Event at kasama dito ang Pandayan. Sa kagandahang-palad ay isa ako sa napasama para dumalo nasabing event.
Sa event ay nakasalamuha namin ang mga staff ng Canon Philippines. Kasama dito si Ms. Lai, na kung saan siya ang aming kausap sa mga order nating Canon items para sa mga rebates na ating nakuha at makukuha. Mayroon din siyang mga ipinakilala sa amin na ibang staff ng Canon Philippines. Nagkaroon din ng pagkamusta sa stock ng Canon items na ating kini-carry. Dito ay kinamusta din natin ang pagkakaroon natin ng Canon Service Center na kung saan ay malaki ang maitutulong nito sa paggalaw ng mga mga Canon Printer. Ang mga ganitong event ay masasabi kung magpapatibay ng ugnayan ng Canon Philippines at ng mga dealer.